The more I ignore it, the more I hear God’s calling for me like a thunder to be a teacher. Ang unli talaga ni GOD. haha! Nakoo, nako. Yan na nga ba ang sinasabi nila. The more you deny it, the more God will show you that the calling’s perfectly fit for you. What more can I do? Paulit-ulit na kong tinatawagan ni Lord para maging guro pero ganun din karaming beses ko siyang hindi sinasagot. I guess it’s about time for me to accept His will. Sino ba naman ako para tumanggi? Di naman ako VIP para deadmahin lang si God. Dapat nga mas magpaka-humble pa ko sa Kanya eh. Bata palang ako palaisipan na sakin ang pagiging guro ko balang araw. Siguro nga I was called to be one kasi hindi naman habang buhay mag-aaral lang ako, siyempre kailangan ko ring ituro sa iba ang mga napag-aralan ko. I’m so thankful sa lahat ng naging teachers at magiging teachers ko. Terror o sweet man sila, they always served as an encouragement and inspiration for me to pursue what God calls me to be. Tuwing nakakausap ko kasi sila, nararamdaman ko rin yung pangungusap sa akin ng Panginoon na maging guro din katulad nila, katulad Niya.
Pang-ilang note ko na siguro ‘to tungkol sa pagiging guro. Malamang gaya ko, naliligaligan na rin kayo. Kaya eto na, tototohanin ko na! Sasagutin ko na SIYA!
“Yes Lord, I accept Your calling for me. I’m gonna be one of my idols. I’m gonna be a teacher! I promise to do my best to be what you’ve always wanted me to be. And if I fail to be one, it must have to be my fault. I know I’ll learn to love it and I know You’ll be always there to help me make it!”
-Amen.
No comments:
Post a Comment