Total Pageviews

Tuesday, May 24, 2011

ANSWERING THE CALL

The more I ignore it, the more I hear God’s calling for me like a thunder to be a teacher. Ang unli talaga ni GOD. haha! Nakoo, nako. Yan na nga ba ang sinasabi nila. The more you deny it, the more God will show you that the calling’s perfectly fit for you. What more can I do? Paulit-ulit na kong tinatawagan ni Lord para maging guro pero ganun din karaming beses ko siyang hindi sinasagot. I guess it’s about time for me to accept His will. Sino ba naman ako para tumanggi? Di naman ako VIP para deadmahin lang si God. Dapat nga mas magpaka-humble pa ko sa Kanya eh. Bata palang ako palaisipan na sakin ang pagiging guro ko balang araw. Siguro nga I was called to be one kasi hindi naman habang buhay mag-aaral lang ako, siyempre kailangan ko ring ituro sa iba ang mga napag-aralan ko. I’m so thankful sa lahat ng naging teachers at magiging teachers ko. Terror o sweet man sila, they always served as an encouragement and inspiration for me to pursue what God calls me to be.  Tuwing nakakausap ko kasi sila, nararamdaman ko rin yung pangungusap sa akin ng Panginoon na maging guro din katulad nila, katulad Niya. 
Pang-ilang note ko na siguro ‘to tungkol sa pagiging guro. Malamang gaya ko, naliligaligan na rin kayo. Kaya eto na, tototohanin ko na! Sasagutin ko na SIYA! 


“Yes Lord, I accept Your calling for me. I’m gonna be one of my idols. I’m gonna be a teacher! I promise to do my best to be what you’ve always wanted me to be. And if I fail to be one, it must have to be my fault. I know I’ll learn to love it and I know You’ll be always there to help me make it!” 

-Amen.

Wednesday, May 4, 2011

MOVIE MADNESS


Just checked my torrent application in my lappy and found out that for the first quarter of the year, I've downloaded an average of 60 movies (randomly). Some of them were deleted and trimmed down to 54 movies (due to lack of memory space). Woah, parang last year 13 movies lang yung napanood ko sa sinehan tapos 15+ na home videos. Mukhang mahihirapan na yata akong gumawa ng movie review ngayon. :S Pano pa kaya pag nakabili na ko ng external drive? :D

Hindi naman ako adik sa panonood ng movie. Yung iba dyan, nakakatulugan ko rin habang pinapanood ko. Pag meron kasi akong napanood na film at nagustuhan ko yung mga actors/actressess na gumanap dun, nagre-research ako sa google tungkol sa mga career background nila tsaka yung mga movies na nagawa na nila. And when I find the titles interesting, ida-download ko agad. Ilan lang dyan yung mga movies based on Nicholas Spark's Novels, mga films nina: Adam Sandler, Kevin Costner, Richard Gere, Leonardo DiCaprio, Hillary Swank, Angelina Jolie, and Julia Roberts. Isa nga lang yata yung Pinoy film na na-download ko eh, drama pa. Nagsawa na yata talaga ako kina Jackie Chan at sa mga gore films. (na nakasanayan kong panuorin nung bata palang ako)

Karamihan sa mga pinanonood kong movie ay umiikot at sumasalimin sa realidad ng bawat buhay ng mga tao. Gusto ko kasi ma-inspire eh. (ang tanong, nai-inspire ba ko?) Doesn't matter kung bago ba o luma yung film as long as nakaka-relate at natututo ako sa bawat movie na pinapanuod ko. Madalas sa bawat pelikulang pinapanood ko, iniiyakan ko. Ewan, di naman ako iyakin sa tunay na buhay pero tuwing manonood ako bigla nalang tumutulo eh. May kasama pang sipon. Hahaha! :p 

Huling pinanuod ko, yung movie ni Richard Gere na "HACHIKO." Grabe, wala pa sa kalagitnaan ng movie iyak na ko ng iyak. Buti mag-isa lang ako sa kwarto nun at ako lang mag-isa sa bahay. Di man ako mahilig sa mga aso, kakaiba ang dating saken nung pinanood ko na yun. O sige, ikaw na magkaroon ng alagang aso na hihintayin ka habang buhay, grabeng faithfulness ng isang aso sa amo niya yun noh. 

Anyway,kung di ka mahilig manuod ng mga pelikula, magandang bagay yung kahit minsan sa buhay mo eh makapanuod ka ng sine, mag-download, o manghiram ng bala sa Video City. Di naman nakakamatay yun. May mga aral naman na mapupulot sa mga yun eh. Iko-consider mo nga lang kung sino ba yung gumawa, nag-direct, at mga gumanap sa pelikulang panonoorin mo. Magandang hobby din 'to wag nga lang manunuod ng mga porno. :p

TANDAAN mo lang, may mga sarili tayong buhay at wag natin itong ibase sa mga pinapanuod natin. Yung iba kasing mga pelikula malayo sa reality of life. May mga limitasyon ang lahat ng bagay. Wag natin kalimutan na may mga responsibilidad at obligasyon tayo sa mundong ginagalawan natin.

Ang buhay kasi natin, parang pelikula din. Written, produced, directed by God and played by YOU. Play it the best as you can and always make it a  blockbuster in God's eyes! :) 


"To God be the Glory!"